NEWS AND EVENTS
MOA SIGNING PARA SA “KWARTO NI NENENG” PROJECT, ISINAGAWA SA PAGITAN NG PGC AT DILG
Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Provincial Government of Cagayan (PGC) at Department of Interior and the Local Government (DILG) Region II kaugnay sa proyektong “Kwarto ni Neneng” sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024. Si Gov. Manuel Mamba ang lumagda bilang kinatawan ng PGC […]
#AlertoCagayano| Dumating na sa kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang mga Family Food Packs (FFP) na nakatakdang ipamahagi sa iba’t ibang mga Lokal na Pamahalaan sa probinsya.
Ang mga dumating na FFPs ay bilang suporta at tugon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa kahilingan ng Probinsya ng Cagayan. Kaugnay rito, aabot sa 15 trucks ang dumating ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024 na naglalaman ng 25,300 FFPs habang nauna ng dumating kagabi ang […]
TINGNAN | Sumailim ang mahigit dalawampu na mga bagong permanenteng empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Employees Onboarding Orientation Program ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) ngayong Lunes, Nobyembre 18, 2024.
Ang mga kalahok ay mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Veterinary Office (PVET), Gattaran Emergency Hospital, Provincial Accounting Office, Baggao District Hospital, Ballesteros District Hospital, at Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital. Ang programa ay may layuning ihanda ang mga empleyado sa […]
INGNAN| Bumisita sa tanggapan ni Gobernador Manuel Mamba ang bagong Regional Director ng Department of Migrant Workers (DMW) Region II na si Dir. Rogelio T. Benitez sa Capitol Main Building, Tuguegarao City, Cagayan ngayong Biyernes, Nobyembre 15, 2024.
Kasabay nito ang kahilingan ng Director sa Gobernador ng tulong para sa lupang ipahihiram para sa itatayong DMW Regional Office. Sa kasalukuyan kasi ay nangungupahan ang DMW para sa kanilang pansamantalang opisina sa Tuguegarao City. Ang Department of Migrant Workers ay isa sa mga bagong departamento ng gobyerno ng Pilipinas […]
PSWDO, NAGHAHATID NA NG FAMILY FOOD PACKS SA MGA BAYANG SINALANTA NG MGA BAGYO SA LALAWIGAN
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang paghahatid ng mga Family Food Packs (FFP) sa iba’t ibang bayan ngayong Biyernes, ika-15 ng Nobyembre 2024 makaraang nanalasa ang mga bagyo sa lalawigan ng Cagayan. Nabatid kay Restituto Vargas, Social Welfare Officer ng PSWDO, ang dalawang bayan na binigyan […]