Kasalukuyang isinasagawa ang 16-day work immersion ng 52 na estudyante ng Baggao National High School (BNHS) sa Provincial Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.

Ayon kay Melvin Mangawil, Acting Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, nagsimula nitong ika-2 ng Disyembre ang work immersion ng mga estudyante at matatapos sa Disyembre 21, 2024

Kabilang aniya sa mga trabahong itinuturo sa mga estudyante sa Farm School ang seedling propagation, hydroponics gardening, mushroom production, organic agriculture, crop production, at iba pang aktibidad.

Nagsisilbi namang pansamantalang tirahan ng mga estudyante ang School Farmers Dormitory ng Farm School ang upang matiyak ang konsentrasyon sa kanilang mga gawain.

Samantala, ang Farm School ay tatlong taon nang tumutulong sa immersion program ng mga senior high school ng lalawigan upang maipakita at maipakilala sa mga estudyante ang kahalagahan ng modernong pagsasaka, gayon din upang mahikayat silang kumuha ng kursong may kaugnayan sa agrikultura.