Muling nakapagtala ang University of Saint Louis Tuguegarao (USLT) ng national topnotcher sa katatapos na April 2024 Civil Engineers Licensure Exam.
Pumwesto sa ika-siyam sa buong bansa ang Bachelor of Science in Civil Engineering graduate na si Carlos Brylle Artares matapos makakuha ng 91.90% passing rate sa buong bansa.
Tila hindi maitatangging makukuha ni Engr. Artares ang puwesto sa buong bansa dahil sa pre-board exam pa lamang nito ay pumasok na siya bilang Top 8.
Si Engr. Artares ay isang tubong Tabuk, Kalinga.
Samantala, nakakuha ang unibersidad ng 46.79% passing rate; mas mataas sa national passing rate na 39.27% kung saan 51 sa mga graduate nito ang ngayon ay ganap ng Civil Engineers.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapagtala ang unibersidad ng mga topnotcher mula sa iba’t ibang kursong ibinibigay dito.