
Ang naturang hakbang ay bilang tugon sa direktiba ni Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay upang makaagapay para sa agarang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga residenteng labis na naapektuhan ng Super Typhoon Nando.
Tiniyak naman ni Provincial Health Officer Dr. Rebecca Battung ang kahandaan ng PHO sa paghahatid ng karagdagan pang serbisyo na kakailanganin ng mga residente.
Samantala, ipinaabot din ng Doctors without Borders sa pamamagitan ng PHO ang karagdagan pang mga gamot na ipapamahagi rin sa mga nasalanta ng bagyo.







