
Nagpasiklaban ang lahat ng barangay sa nasabing bayan, kung saan iba’t ibang flavors ng sinabalu ang inihanda ng mga ito para sa patimpalak.
Bago nagsimula ang pagluluto ng masarap na sinabalu ng mga kalahok ay pinangunahan naman ni Mayor William Mamba ang programa, kasama ang kanyang maybahay na si Judith Mamba, mga opisyal ng LGU Tuao, mga empleyado, Barangay officials at mga SB Members, mga hurado, at iba pang mga bisita.
Ang sinabalu at sukulati ay ang ipinagmamalaking mga delicacy ng bayan ng Tuao kung saan ito ay isang tradisyon na patuloy na isinasagawa at ipinapasa sa komunidad.







