Ang mga kalahok ay mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Veterinary Office (PVET), Gattaran Emergency Hospital, Provincial Accounting Office, Baggao District Hospital, Ballesteros District Hospital, at Alfonso Ponce Enrile Memorial District Hospital.
Ang programa ay may layuning ihanda ang mga empleyado sa kanilang mga tungkulin bilang bahagi ng kanilang serbisyo publiko.
Nagbigay rin ng mensahe si Cagayan Governor Manuel Mamba at muli nitong hinikayat ang mga bagong permanenteng empleyado na maging inspirasyon at panatilihin ang kanilang dedikasyon na maglingkod sa publiko.
Samantala, dumalo naman sa ginanap na aktibidad sina Provincial Administrator Maria Rosario Mamba-Villaflor, PHRMO head Atty. Loui Socrates, CPIO Head Rogelio Sending Jr., Consultants, at ilang kawani ng Kapitolyo ng Cagayan.