Ginanap ito sa regular flag raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kung saan sampung magsasaka ang tumanggap ng kanilang tseke. Ang lupang ibinenta ng mga magsasaka ay kasama sa lupang pagpatatayuan ng Cagayan International Airport sa Tri-boundry ng Piat, Solana at Tuao, Cagayan.
Ang pagtatayo ng Cagayan International Airport ay isa sa mga pinakamalaking proyekto ni Governor Mamba sa ilalim ng Cagayan International Gateway Project (CIGP) kung saan kasama dito ang pagbubukas ng International Seaport at Smart City.