Kasama ni Sec. Lopez ang iba pang opisyal ng ahensiya na sina Senior USec. Steve Pastor, USec. Jim Sydiongco, ASec. Bong Plan, Director General Raul Del Rosario, Deputy Director General Danjun Lucas, at Jonno Bales (Comms).

Bumisita sa Probinsiya ng Cagayan ang mga opisyal para sa isang High Level Inter-Agency Alignment Meeting on the Cagayan Valley- Integrated Strategic Infrastructure Program (CV-ISIP) katuwang ang iba’t ibang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang maisakatuparan ang paghahanay sa mga programang isinusulong ng Regional Development Council (RDC) Cagayan Valley na magbibigay ng pangmatagalang progreso sa Cagayan at sa buong rehiyon.