Ayon kay ex-officio Board Member Rey Jirowell Alameda, SK Federation President ng probinsiya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na direktang makatatanggap ang mga SK Fed. mula sa PGC.

Aniya, mismong ang mga SK Fed. na rin ang nagbigay o nagpasa ng mga dokumento kung saan ilalaan ang matatanggap na halaga.

Ang nasabing tulong ay bukod pa sa P50,000 na inilalaan din ng PGC mula sa programang “No Barangay Left Behind” na siyang flagship program ni Gov. Mamba.