
Ito ay kasunod ng unang pagpupulong na pinangunahan ng gobernador ngayong buwan ng Marso 2026 kung saan kasama nito sa talakayan ang iba’t ibang department heads mula sa Administrative, Services, Development, at Progress Cluster.
Kabilang sa mga natalakay ay ang paglulunsad ng People’s Day Serbisyo Caravan, Sugod Barangay, Nagkaka-1 Cagayan Para sa Kalusugan at Kaligtasan, maigting na disaster response ng PDRRMO Cagayan at TFLC-QRT, pagtutok sa mga serbisyo sa edukasyon, at iba pa.
Kasama naman ni Gob. Aglipay sa mga naturang pulong sina Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Chief of Staff Felipe Buena Jr., Deputy Chief of Staff Atty. Jay em Cuntapay, at Vision Team Chairperson at 3rd District Board Member Atty. Engelbert “Jojo” Caronan.
Binigyang-diin ni Gob. Aglipay ang maayos na kolaborasyon at pagkakaisa upang maisulong at maisakatuparan ang mga serbisyong dapat maibigay sa mga Cagayano.







