Sa naging pagdalo ni Gob. Aglipay, personal siyang nagpaabot ng pagbati sa mamamayan sa naturang bayan.

Laman ng kanyang mensahe ang pagtulong at pag-agapay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa Lokal na Pamahalaan ng Sta. Teresita upang maisulong ang tuloy-tuloy na progreso alinsunod sa kanyang nakalatag na E. G. A. Y Governance Platform.