
Ang inisyatiba ay sa pamamagitan ni Congw. Vargas-Alfonso sa tulong ng Kagawaran ng Agrikultura sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks program na layuning makaagapay sa pangangailangan ng mga magsasaka.
Sa mensahe ni Gob. Aglipay at Congw. Vargas-Alfonso, kanilang tiniyak ang nagkakaisang pagkilos at maigting na ugnayan ng pamahalaan at ng mga katuwang na mga ahensya upang maisulong ang kapakanan ng mga Cagayano. Pinaigting din ng mga opisyal ang kanilang mandato upang marating ng serbisyo ng gobyerno ang iba pang sektor na dapat maabutan ng kaukulang tulong.






