Isinagawa ang reorganisasyon ng MCDC sa bayan ng Lal-lo ngayong Lunes, Abril 27, at sa bayan ng Lasam noong Abril 23 sa kani-kanilang Municipal Hall, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at ang Cooperative Development Authority (CDA). Susunod namang tutulungan ng PCDO ang iba pang bayan na nangangailangan ng kaparehong tulong.

Nakatuon ang ibinibigay na technical assistance ng PCDO sa paggabay sa mga MCDC upang malinaw na maunawaan ang layunin ng reorganization, mapanatili ang maayos at matatag na operasyon, at matiyak ang operational sustainability ng mga kooperatiba sa bawat bayan.

Ayon kay Christopher Corral, Provincial Cooperative Development Officer ng PGC, mahalaga ang papel ng PCDO sa prosesong ito upang masiguro ang maayos na pamamalakad ng mga MCDC, na naaayon sa kasalukuyang hamon at pangangailangan ng sektor ng kooperatiba.

Dagdag pa niya, ang reorganisasyon ay isinasagawa kada dalawang taon alinsunod sa CDA MC 2022-03. Sa tulong ng patuloy na technical assistance at koordinasyon ng PCDO sa mga munisipyong may MCDC, napapanatili ang tuloy-tuloy na paglago at pag-unlad ng mga kooperatiba sa buong probinsiya.