
Ito ay matapos kilalanin ang 4-H Club Cagayan sa 72nd 4-H National Farm Youth Convention sa Camp Benjamin, Brgy. Taywanak Ilaya, Alfonso, Cavite noong Setyembre 3-5, 2025.
Ipinagkaloob ang pagkilala matapos aprubahan ng 12th Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon na pangunahing inisponsoran ni Ex-Officio Board Member Rey Jirowell Amaleda at co-sponsor naman si 3rd District Board Member Romar ‘Japo’ De Asis.
Ang 4-H Club Cagayan ay may layong kilalanin ang mga kabataang magsasaka sa bansa na may natatanging talento at kakayahan upang magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan.
Una na ring binanggit ni BM Alameda na ang 4-H Club ay paraan para lalo pang pagtibayin ang kahalagahan ng organisasyon sa pagbibigay-diin sa Head, Heart, Hands, at Health (4-H) ng bawa’t miyembro.







