Kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala ay:

-Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa pagkamit bilang Best Police Provincial Office sa 124th PNP Anniversary

-Aaron Robert A. Binarao sa pagsungkit ng gold medal sa katatapos na 8th Heroes International taekwondo Championship na ginanap sa Pattaya, Thailand

– Maia Jeffrey Jion Cabulisan na pag-uwi ng bronze medal at silver medal sa 8th Heroes International taekwondo Championship

-Winter Scarlet Dayag Conag, nag-uwi ng silver medal 8th Heroes International taekwondo Championship.

Personal na tinanggap ng mga nasabing indibiduwal ang kanilang plaque kasama si PLtCol. Ramil Alipio, Deputy Provincial Director for Administration ng CPPO bilang kinatawan ni PCol. Mardito Anguluan.

Layunin ng mga resolusyong ito na bigyang-pugay ang mga tagumpay na nag-angat ng pangalan ng probinsiya ng Cagayan sa larangan ng edukasyon, palakasan, sining, at serbisyo pampubliko.