Personal na tinanggap ang plaque of commendation at plaque of resolution ng mga lola at lolo ni Yumi na sina Tuao SB Marcy Mamba-Perez at Bienvenido Perez na iginawad mismo ni Bise Gobernador Manuel Mamba kasama ang ilang mga miyembro ng SP.

Una nang inaprubahan ng SP ang nasabing resolusyon sa kanilang ika-40 regular session noong nakaraang linggo, na sinuportahan ng lahat ng mga miyembro bilang pagkilala sa kanyang mahalagang tagumpay at kontribusyon sa lalawigan.

Bukod kay Yumi, kinilala rin ang 29 mag-aaral ng St. Paul University Philippine (SPUP) at ang kanilang mga coaches dahil sa naiuwing tagumpay sa International Creativity and Innovation Awards (ICIA) Global round 2026 na ginanap sa Cambodia