
TATLONG BATANG RESEARCHERS MULA SA GATTARAN, CAGAYAN, TUMANGGAP NG GOLD AWARD SA ICIA 2025: GLOBAL ROUND AND INNOVATION AWARD SA VIETNAM
Nag-uwi ng gold award ang tatlong batang researchers mula sa Calaoagan Dackel National High School, Calaoagan, Gattaran, Cagayan matapos silang ipadala bilang representante ng Pilipinas sa International Creativity and Innovation Award (ICIA) 2025: Global Round and Innovation Award.
Isinagawa ang patimpalak sa Ho Minh City Vietnam nitong Abril 25-27, 2025 kung saan kalahok ang 21 bansa.
Kinilala ang mga pinarangalan na sina Kathleen Agcaoili, Venice Nicole Salas, at Jan Gabrielle Bassig na nagpresenta ng kanilang research study na pinamagatang, “In Vitro Antibacterial Activity Against Staphylococcus aureas and In Vivo Wound Healing Potential on Excision Wound Model in Rats of Calabash (Cresentia cujete) Leaf Ointmet”.
Nagwagi ang tatlong batang researcher sa kanilang sariling pag-aaral sa tulong ng kanilang coach at gurong si Unnis Aguilor laban sa 247 kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang International Creativity and Innovation Award (ICIA) ay isang binuong platform para sa mga tinaguriang “young innovators” na nagnanais na linangin at hasain ang kanilang sarili sa problem-solving skills sa pamamagitan ng pagsagot sa mga Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations. Isa itong paraan para maipakilala sa mundo ang makabagong inobasyon mula sa malikhaing kaisipan ng mga batang mananaliksik sa buong mundo.