
Inilunsad ngayong Miyerkules, Hunyo 25, 2025 ang “Dr. Manuel N. Mamba, Governor of Cagayan Province: A Biography,” ang aklat na isinulat ni Earl G. Parreno, tungkol sa buhay at karera ni Governor Manuel Mamba bilang isang Cagayano, pulitiko, at lingkod-bayan.
Ang paglulunsad ay isinagawa sa flag-raising ceremony sa Kapitolyo ng Cagayan na pinangunahan mismo ni Gov. Mamba, kasama sina Governor-elect Ret. Gen. Edgar “Egay” Aglipay, Unang Ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang pamilya ni Gov. Mamba, Board Members Rodrigo de Asis, Romeo Garcia, at Mila Lauigan; mga department heads, consultant, at empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, at mga bisita kasama ang awtor na si Parreno.
Ibinahagi naman ni Parreno ang kanyang karanasan sa pagsusulat sa talambuhay ng Gobernador. Si Parreno ay isang manunulat, political reform advocate, political commentator, at isang social entrepreneur. Siya rin ang awtor ng mga biography na “Boss Danding” (2003), at “Beyond Will and Power” (2019) ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Bilang isang Research Editor sa Philippine Center for Investigative Journalism, malawak ang kanyang isinulat sa larangan ng iba’t ibang isyu sa gobyerno.
Ayon sa awtor, isang karangalan na isulat niya ang talambuhay ni Gov. Mamba.
“Writing this book has been a journey for me because Governor Mamba’s life is full of stories. Nagpapasalamat ako kay Gov. dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na masilip, hindi lamang ang kanyang political life, maging ang personal life niya. At nakita ko doon ang commitment, ang courage, at ang kanyang liderato kung saan taumbayan ang inuuna niya,” sambit ng awtor.
Ayon pa kay Parreno, hindi katulad ng ibang naisulat niya, kakaiba si Governor Mamba dahil sa kanyang tapang at ang serbisyo niya sa mga Cagayano.
“What struck me most in doing this book is how deeply rooted he is and is love for Cagayan and how this love has guided the way he leads,” aniya.
Tinalakay rin ni Parreno ang kasaysayan ng paglalakbay ng Gobernador sa paghuhubog sa kanya bilang isang lingkod-bayan. Tinalakay sa libro kung paano siya nagsimula bilang OIC-Board Member, Mayor, at sa tuloy-tuloy na paninilbihan niya sa lalawigan.
“Iyong pagmamahal niya sa lalawigan ang naging gabay niya sa kanyang mga desiyon at direksyong tinahak niya bilang isang lingkod-bayan. Kakaiba siya. This book is not just about a politician. Ito ay kwento ng isang tunay ng anak ng Cagayan, isang taong hindi kailanman nakalimot sa kanyang pinagmulan at sa kanyang buong pusong inaalay ang kanyang buhay sa pagserbisyo at pagbabago para sa kanyang lalawigan,” dagdag niya.
Samantala, binigyang-pugay naman ni Governor-elect Aglipay si Governor Mamba sa pagbibigay-daan sa magandang simula para sa maayos na paggogobyerno sa Cagayan.
Aniya, hindi na lang natin naririnig ang mga nagawa ni Gov. Mamba, kung hindi mababasa pa natin ang mga ito sa talambuhay niya. Aniya, magsilbi sana itong inspirasyon sa lahat, lalo sa mga kabataan na siyang susunod na mamumuno sa lalawigan,
Nagpasalamat naman si Governor Mamba sa lahat, lalo sa kanyang pamilya at sa lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pagdalo sa paglulunsad.
“Nagpapasalamat ako kay Earl Parreno sa pagsusulat ng aking buhay. Nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Thank you for seeing all our sacrifices and the self-lessness along the way. This is beyond my dream- a book. I am inspired to share a lot of things. It’s time to share what I have learned through the years. Failures are not failures if you learn from it, if you make them lessons in life. They make you stringer, better, more capacitated in dealing many problems,” ayon pa kay Gov. Mamba.
Nagpasalamat din ang Gobernador sa kanyang pamilya na laging nasa tabi niya sa lahat ng pinagdaanan niya. “My family has been my inspiration, without them hindi ko kaya ito,” aniya.
Nagkaroon naman ng book-signing si Gov. Mamba sa harap ng mga bisita sa naganap na paglulunsad. Namahagi naman siya ng mga kopya sa ilang mga dumalo ng flag-raising ceremony.







