Makasaysayan kung ituring ng Department of Education (DepEd) Region 02 ang paghakot ng Lambak ng Cagayan ng parangal lalo na ang SDO Cagayan at SDO Tuguegarao sa nagpapatuloy na National Schools Press Conference 2025 na isinasagawa sa Vigan City, Ilocos Sur.

Ayon kay Octavio Cabasag, Chief Education Supervisor, Curriculum and Learning Management Division ng DepEd Region 02, ito ang unang pagkakataon na mag-uuwi ang Lambak ng Cagayan ng 17 awards sa ilalim ng Best School Paper Category.

“This is historic for Region 02 especially for best school paper category kung saan we were awarded with 17 awards,” pahayag ni Cabasag.

Mula sa 17 na napanalunan ng mga estudyanteng pambato ng lambak, 13 dito ay nakuha sa elementary division at apat naman sa secondary division.

Ayon pa kay Cabasag, ito na umano ang “most improved” performance ng DepEd Region 02 dahil na rin sa ipinakitang suporta ng mga paaralan, magulang, at lokal na pamahalaan sa pagsabak ng mga estudyante sa nasabing patimpalak.

Narito ang mga parangal na nakuha ng SDO Cagayan at SDO Tuguegarao:

Elementary Category

Over All Best School Paper in the Philippines – Elementary

2nd Place
Ang Paulinette (SPUP Tuguegarao City)
Tuguegarao City

3rd Place
Tambulilit (Tuguegarao North Central School)
Tuguegarao City

Best Page Layout and Design -Filipino

1st Place
Ang Batingaw (Carig Integrated School)
Tuguegarao City

4th Place
Tambulilit (Tuguegarao North Central School)
Tuguegarao City

2nd Place – Pahinang Lathalain
Ang Sanglad (Bulala-Fugu Elem school)
Cagayan

3rd Place -Pahinang Pampalakasan-Filipino
Ang Paulinette (SPUP-Tuguegarao)
Tuguegarao City

4th place – Best Editorial Section English
The Metamorphosis (Pimpila Elem School)
Cagayan

5th Place Best in Science and Technology- English
The Green Meadows (Mabanguc Elem School)
Cagayan

5th Place -Pahinang Pampalakasan-Filipino
Tambulilit (Tuguegarao North Central School)
Tuguegarao City

5th Place- Pahinang Balita
Ang Paulinette- SPUP
Tuguegarao City

School Paper Contest – Secondry Level Results
Region 02

2nd Place – Pahinang Pampalakasan
Ang Lagablab
Cagayan NHS- Senior High School
Tuguegarao City

4th Best News Page-English
The Dawn
Don Mariano NHS
Cagayan

Umaasa naman ang DepEd Region 02 na makapag-uuwi pa ng karagdagang parangal ang lambak mula sa iba pang kategoryang sinalihan ng team Region 02 sa nasabing patimpalak.

Matatandaang noong nakaraang taon pumwesto bilang Top 5 nationwide ang Region 02 mula sa 17 rehiyon na nakilahok sa NSPC 2024.