
Ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang sampung Dangal ng Lahing Cagayano at Natatanging Cagayano awardees sa isang prestihiyosong seremonya na ginanap sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City nitong Sabado, Hunyo 28, 2025.
Iginawad ang Natatanging Cagayano Award kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Javier Cacdac bilang pagkilala sa kanyang mga programa at serbisyo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Si Sec. Cacdac ay tumanggap ng plake at sablay, kung saan sa kanyang personal na pagtanggap ng parangal ay kanyang inihayag na ang kanyang parangal ay hindi lamang para sa kanya kun’di ito ay kanyang iniaalay sa lahat ng mga OFW sa buong bansa at sa mga kawani ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na patuloy na nagsusumikap para sa kapakanan ng mga Pilipinong itinuturing na makabagong bayani ng bansa.
“This award is not mine alone. It is likewise shared with countless overseas Filipino workers around the world. I, along with my work family, have been honored to serve. It also stands as a tribute to the unwavering commitment to my colleagues in DMW, both here and across the globe, as well as our dedicated, soon-attached agency, the Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), where I came from—all of whom work tirelessly each day to protect, support, and uplift our modern-day heroes,” pahayag ng kalihim.
Tiniyak din ng Kalihim na patuloy nilang isasakatuparan ang mandato ng kanilang ahensiya at sisikaping hindi biguin ang tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
” My promise, my vow, to the President is that we at the DMW will not let him down. And to all Cagayanos, young and younger, your strength lies in your roots, in your pride and purpose in service. To the young Cagayanos, please continue to carry the values of our beautiful, wonderful province hard work, humility, heart, and fear of God—and you will never lose your way,” pagtatapos ni Sec. Cacdac.
Narito naman ang sampung Gintong Medalya awardee na tumanggap ng plake at Kamaranan Medal:
-Gintong Medalya Awardee for Education, Dr. Rosalinda Pebenito Valdepeñas at Ivon Ambabag Addatu
-Gintong Medalya Awardee for Music Arts and Culture, Rey Mudjahid Ponce Millan at Hans Pieter Luyun Arao
-Gintong Medalya Awardee for Science Technology and Engineering, Engr. Gerhard Plaga Tan
-Gintong Medalya Awardee for Medicine, Dr. Jerome Dimalanta Urbina
-Gintong Medalya Awardee for Agriculture, Gumercindo Guzman Tumbali
-Gintong Medalya Awardee for Entrepreneurship, Feliciano Turo Baligod
-Gintong Medalya Awardee for Community Development, Dr. Nixon Javier Cabucana at Edimar Patino Cabaya
Kaugnay rito, muli namang binigyang-diin ni Atty. Mabel Villarica-Mamba, Unang Ginang at proponent ng Dangal ng Lahing Cagayano na ito ay pagkilala sa mga indibiduwal na nagpakita ng sipag, tiyaga, at malasakit sa kapwa. Ayon sa kanya, ang tagumpay ng mga pinarangalan ay bunga ng patuloy na pagsusumikap at tamang paggamit ng mga biyayang ipinagkaloob sa kanila gaya ng talino, talento, at kakayahang makapaglingkod sa lipunan.
Ayon naman kay Governor Manuel Mamba, ang mga pinarangalan ay nagpakita hindi lamang ng kahusayan kun’di ng di matatawarang sakripisyo para sa kapakanan ng lipunan.
“Our honorees have not only performed beyond the call of duty, but they’ve embraced sacrifice as a part of their journey. Their selfless acts remind us of the importance of working for the greater good of even and personal growth. Excellence is not merely about reaching the peak of success but embracing the journey of continuous improvement,” ani Gob. Mamba.
Samantala, ang mga nagsilbing mga hurado ngayong taon ay kinabibilangan nina Dr. Lilia Tamayao, Board Member-Elect Atty. Engelbert Caronan Jr., Engr. Pearlita Lucia Mabasa, Eliseo Collado, at Mary Leni N. Combate.
Ang Dangal ng Lahing Cagayano ay sinimulan noong 2017 upang itampok at kilalanin ang mga natatanging Cagayano na nagbibigay ng karangalan at mabuting halimbawa sa lalawigan.