Nagkamit ng mga parangal ang mga delegado ng Rural Improvement Club (RIC) Region 02 sa ginaganap na 86th RIC National Convention ng RIC of the Philippines sa Hotel Supreme, Baguio City na ginanap nitong Nobyembre-20 hanggang Nobyembre-22.
Ayon sa Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba na siyang pangulo ng RIC Cagayan at RIC Region 2 Federation, nasungkit ni Margarita Macatuggal Micua ng RIC Tuguegarao City ang 4th runner up at Miss Photogenic award sa isinagawang Ginang RIC pageant. Maliban dito, ginawaran din bilang Most Energetic ang RIC Tuao at RIC Lal-lo.
“Ang gusto natin dito ay mabigyan ng karangalan, kakayahan, at kapangyarihan o puwang ang mga kababaihang Cagayana. Sinisikap din natin na bawat barangay ay magkaroon ng RIC chapter at lahat rin ng Local Government Units (LGUs) sa Cagayan at sa Lambak Cagayan,” ani Atty. Mabel Mamba.
Naging bahagi rin aniya sa aktibidad ang oath taking ceremony ng RIC National Federation Officers kung saan nagbigay rin ng mensahe ang bawat pangulo ng RIC Regional Chapter.
Ang mga dumalong deligado ng RIC Cagayan Valley ay binubuo ng 68 kung saan 55 dito ay mula sa RIC Cagayan.