Naghatid ng libreng purga, bakuna, bitamina, at iba pang serbisyo para sa mga alagang hayop ang Provincial Veterinary Office (PVET) sa mga barangay ng Lapi, Buyun, at Nabbalayan sa Peñablanca nitong Enero 20 hanggang 23, 2026 bilang bahagi ng kanilang taunang programa.

Ayon sa PVET, naturukan ng deworming ang 338 kalabaw, nabigyan ng kontra-rabies na bakuna ang 187 aso at pusa, bakuna kontra-anthrax ang 163 kalabaw, 102 kalabaw ang nabigyan ng iron supplement, 14 ang nabigyan ng bitamina, at apat ang nakapon.

Umabot naman sa 344 na fur parents at magsasaka ang nabenepisyuhan sa libreng serbisyo.

Ang taunang programa ng PVET ay isinasagawa sa ba’t ibang bayan sa Cagayan upang maprotektahan ang mga alagang hayop at maiwasan ang rabies at iba pang sakit.

Samantala, ipagpapatuloy pa rin ng PVET ang kaparehong serbisyo m sa iba pang bayan sa Cagayan sa mga susunof na araw.