Tumanggap ng Certificate of Recognition ang Provincial Veterinary Office (PVET) ng Provincial Government of Cagayan (PGC) mula sa Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA-RFO2) sa isinagawang DA Information Caravan 2024: “Masaganang Agrikultura, Tungo sa Bagong Pilipinas” cum Gawad Livestock and Poultry and Food Safety Awareness Week sa Isabela Convention Center, Cauayan City, Isabela.

Ang pagkilala ay matapos masungkit ni Jessie Cac ng PVET ang 1st Place sa Most Outstanding Artificial Inseminator for Cattle dahil sa dedikasyon nito sa pagsasagawa ng iba’t ibang inobasyon sa larangan ng agrikultura sa Cagayan at sa Lambak Cagayan.

Kinilala rin ng DA ang Local Government Unit (LGU) ng Rizal, Sta. Praxedes, at Calayan Island, Cagayan bilang Free ASF Municipalities sa Region 02.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Dr. Wilfredo Iquin Jr., Supervising Agriculturist ng PVET na siyang kumatawan kay Dr. Noli Buen, ang Provincial Veterinarian ng PGC.

Samantala, ang DA Information Caravan 2024 ay pinangunahan ni Regional Executive Director Dr. Rose Mary G. Aquino.