Pinapaalala ni Dra. Rebecca Battung, Acting Provincial Health Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga empleyado ng Kapitolyo ng Cagayan sa tamang pangangalaga ng puso ngayong Heart Month sa ginanap na flag raising ceremony ngayong Lunes, Pebrero-12.

Aniya, mainam na gawing katamtaman ang lahat ng bagay lalo na ang mga kinakain dahil ang sobra ay may masamang epekto sa katawan ng tao. Iwasan umano ang sobrang matataba, matatamis, at maalat na pagkain.

Payo pa ni Dr. Battung na gawing regular ang pagpapakonsulta sa PHO clinic at hindi lamang sa kung may nararamdaman. Higit aniya na agapan ang puso bago magkaroon ng malaking problema. Bukas din umano ang PHO para sa konsultasyon at paghingi ng payo sa anumang problema sa kalusugan.

“Ang puso natin ay sentro ng ating katawan at siya rin dapat ang sentro ng pangangalaga sa ating sarili,” ani Dr. Battung.