
Suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang selebrasyon ng Ease of Doing Business (EODB) Month ngayong Mayo bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 818.
Bilang pakikiisa, nagbahagi ang dalawang opisina sa Kapitolyo ng Cagayan partikular ang Provincial Assessors Office at Cagayan Provincial Learning and Resource Center hinggil sa kahalagahan ng EODB sa ginanap na regular flag raising ceremony ngayong Lunes, Mayo 5, 2025.
Ibinahagi sa nasabing flag raising ceremony ang mga repormang nagawa at ginagawa ng Kapitolyo ng Cagayan sa pagpapaganda ng paghahatid ng serbisyo sa publiko at mga inisyatibong may kaugnayan sa Republic Act 11032 o EODB and Efficient Government Service Delivery Act.
Inilahad ni Engr. Emma Pason, Provincial Assessor ang mga inisyatibong ginawa ng kanilang tanggapan na nakatuon sa batas na ito. Binanggit nito na ang Provincial Assessor ng Cagayan ay mayroon nang ‘ready reference in terms of assessment documents’ ang kanilang opisina, nagkaroon na rin ng link ang opisina ng Provincial at Municipal Treasurer, maging ang integration ng Geographic Information System (GIS) upang mas mapadali at mas mabilis at mahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mga kliyente. Dagdag pa nito na sa pamamagitan ni Gobernador Manuel Mamba, nagkaroon ng mga pagbabago sa sistema sa mga opisina ng Kapitolyo ng Cagayan.
Isa rin sa mga nagbahagi ng mga reporma at inisyatibo sa PGC ay si Provincial Librarian Michael Pinto, kung saan nagkaroon ng full automation system sa Panlalawigang Aklatan simula sa pagpasok hanggang sa pagbabalik ng libro hanggang sa paglabas sa naturang gusali.
“Sinusuportahan talaga natin ang Anti-Red Tape Act (ARTA) dahil gusto natin ng mabilis na serbisyo, sang-ayon na rin sa advocacy ng ating Governor na good governance, upang mapadali ang mga ginagawa natin at serbisyo para sa ating mga kliyente,” diin pa ni Pinto.
Sa naging mensahe naman ni Christian Florald P. Morco, Local Government Operations Officer II ng Department of Interior and Local Government-Cagayan, inisa-isa nito at ipinaalala ang mga kahalagahan ng EODB sa lahat ng mga opisina at kawani ng gobyerno. Ipinaliwanag nito ang mandato ng Citizen’s Charter compliance, compliance sa prescribed processing time, professionalism and responsiveness ng mga frontline personnel, functionality ng Public Assistance and Complaints Desk (PACD), availability and use of feedback Mechanisms, queue management and service area organization at accessibility and client-friendliness of the facility at availability and efficiency of online digital channels.
Dagdag pa ni Morco na ang tunay na tagumpay ng isang programa ay nasusukat hindi sa dami ng papel na napirmahan, kun’di sa dami ng tao na natulungan.
“Ang EODB is not just a compliance issue but a commitment to serve, it’s about shifting to transaction -focus but to people-centered governance,” dagdag pa ni Morco.
Magpapatuloy pa ang iba pang nakalinyang aktibidad ngayong buwan ng Mayo gaya ng nakatadang Nationwide Frontline Service Inspection sa ikalawang linggo ng buwan.