Umaabot sa 289 na mga magsasaka ng mais ang nabigyan ng tulong pinansiyal ng Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) kahapon, Hulyo 9, 2024.

Ang nasabing bilang ng magsasaka ay mula sa bayan ng PeƱablanca, Iguig, at Tuguegarao City kung saan ay nakatanggap ang mga corn farmer ng tig-P1,000.

Ayon sa OPA, ang mga benepisyaryo sa financial assistance ng PGC ay mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at baha sa probinsya.

Kaugnay rito, magpapatuloy ang pamamahagi ng OPA sa mga darating na araw sa mga nabanggit na bayan dahil may iba pang corn farmers na hindi nakatanggap ng tulong mula sa PGC.

Samantala, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa sektor ng magsasaka sa Cagayan ay dahil sa hangarin ni Governor Manuel N. Mamba na tuloy-tuloy ang suporta ng PGC sa mga Cagayanong naapektuhan ng kalamidad sa probinsya.