Halos limang daang mga katutubo mula sa mga bayan ng Allacapan at Gattaran ang nakatanggap ng Family Packs mula sa Provincial Social and Development Office (PSWDO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan nitong ika-17 ng Enero,2024.

Pinangunahan ni PSWD Officer Helen Donato ang nasabing aktibidad kung saan ang mga ipinamahaging Family Packs ay naglalaman ng kumot, hygiene kit, tsinelas, kulambo, tuwalya, at iba.

Ayon kay Donato, nabigyan ang 360 na mga katutubo sa Agta Community sa bayan ng Gattaran samantalang 163 naman na mga katutubo sa bayan ng Allacapan.

Magugunitang nauna ng nabigyan ang mga katutubo sa bayan ng Baggao at isusunod din dito ang ilan pang mga katutubo sa iba pang bayan sa lalawigan.

Kaugnay rito, isinabay rin sa nasabing aktibidad ang pamamahagi sa dalawang recipients ng wheelchair na mula sa Children’s International and Free Wheelchair Mission makaraang humiling ang mga ito sa pamamagitan ng kanilang mga social welfare officers.