Personal na ipinasakamay ni Provincial Administrator, Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor sa hanay ng Cagayan Provincial Forensic Unit at sa Cagayan Provincial Operations Management Unit ng Cagayan Police Provincial Office ang mga set ng computer at printer na mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ang naturang inisyatiba ay bilang bahagi pa rin ng pagsuporta ng Provincial Government of Cagayan sa pangunguna ni Gov. Manuel Mamba upang matugunan ang pangangailangan ng mga kapulisan kasabay ng pagtupad sa kanilang tungkulin.

Kaugnay rito ay labis naman ang pasasalamat ng PNP Cagayan sa patuloy na suporta at maayos na kolaborasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa kanilang hanay tungo sa pagtupad ng kanilang mandato upang lalong mapabuti ang paglilingkod sa kanilang nasasakupan.