Binigyang parangal ng Malacañang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamumuno ni Gob. Manuel Mamba kasabay ng selebrasyon ng Micro Small and Medium Enterprise (MSME) Development Week sa Malacañang Palace Manila ngayong Hulyo 10, 2024.

Iginawad mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Presidential Recognition for Outstanding Development Partners on Enhancing Management and Labor Capacities.

Ang nasabing parangal ay dahil sa matagumpay na pagkakatatag at operasyon ng Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center sa Aquiray, Amulung, Cagayan na pinangangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist.