ANOTHER WIN PARA SA PANLALAWIGANG AKLATAN NG CAGAYAN!

Muling kinikilala ng National Library of the Philippines ang Cagayan Provincial Learning and Resource Center (CPLRC) bilang awardee sa Gawad Pampublikong Aklatan 2023. Ngayong taon mapaparangalan muli ang panlalawigang aklatan bilang “Most Innovative Public Library (Building/Physical Set-up” dahil sa makabago at modernong physical set-up nito.

Ayon kay Michael Pinto, Provincial Librarian, hindi maisasakatuparan ito kung hindi sa walang sawang suporta ni Governor Manuel N. Mamba na siyang nagsulong upang mapaganda pa ang serbisyo ng CPLRC.

“Muli, ito po ay malaking bahagi sa tagumpay ng CPLRC sa pangunguna ng ama ng lalawigan at ang buong staff ng CPLRC. Ito po ang nagagawa ng tapat na pagseserbisyo lalo na kung ang isang lider ay hindi bumibili ng boto. Tapat na serbisyo, walang korapsyon, maayos na pasilidad at serbisyo,” sambit ni Pinto.

Pagbati, CPLRC!