Isang maalab na pagbati sa Alab Dance Troupe ng Gonzaga National High School na itinanghal bilang Kampeon sa Bayle sa Kalye Dance Competition ng National Festival of Talents (NFOT) ng Department of Education na ginanap sa Naga City, Cebu.

Ang NFOT ay bahagi ng MATATAG agenda ng DepEd kung saan layon nitong linangin ang talent at husay ng mga mag-aaral na Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang patimpalak.

Matatandaang ang Alab Dance Troupe ay nagtanghal din sa 441st Aggao Nac Cagayan celebration, partikular sa pagbubukas ng Paddarafunan Trade Fair at Zumamba na ginanap kamakailan sa Cagayan Sports Coliseum, Tuguegarao City.