Ginanap ang pagpili sa mga nanalo sa Travel Blog at Caga-Yum Food Vlog competitions ng Cagayan Tourism Office sa pangungunan ng mga hurado kahapon, Pebrero-08 sa Ivory Hotel, Tuguegarao City.

Pinangunahan ni Jenifer-Junio Baquiran, Tourism Officer ng lalawigan ang deliberation kasama ang mga hurado na sina Atty. Mabel Villarica-Mamba, ang unang ginang ng probinsiya; Romeo Caranguian, Senior Operations Officer ng Department of Tourism Region 02, Honey Carmona, Marketing Consultant ng Cagayan Tourism Office; at Mark Reynan Nuñez, President and Founder of Isabela Bloggers Society.

Ang mga finalist sa Travel Blog ay sina Sonnyboy Pacursa (Lasam), Jay-ar Conde (Camalaniugan), Jeferson Abiva (Gonzaga), Mark Djeron Tumabao (Tuguegarao City), Jane Bulaqui ( Tuguegarao City), Rolando Garo (Tuao), at Danizze Adviento (Gattaran).

Ang mga finalist naman sa Caga-Yum Food Vlog ay sina Prince Jhun Maddela (Lasam), Rufa Allam (Penablanca), at Jay-ar Conde (Camalaniugan).

Matapos ang pagpili, ibinahagi naman ni Atty. Villarica-Mamba ang kanyang mensahe sa lahat ng mga naging kalahok ng mga patimpalak, maging buong Cagayan Tourism Office na nanguna sa paglulunsad ng aktibidad.

Samantala, nagpasalamat naman si Junio-Baquiran sa lahat ng sumuporta sa Travel Blog at Caga-Yum Food Vlog competitions.

Nakatakdang inanunsiyo ang mga nanalo sa dalawang kontes sa Pebrero 13, 2023 sa Capitol Grounds.