Mas madali na ang pagbibiyahe ng mga magsasaka sa bayan ng Piat at Sto Nino, sa kanilang mga produkto dahil sa natapos na nasementuhan na mga daan dito.
Ngayong araw, Marso- 28, mismong si Governor Manuel Mamba ang nanguna sa pagpapasinaya sa mga daan kung saan sa Barangay Gumarweng ay natapos nang sementuhan at maari nang gamitin ang 608 na metro na daan. Maging ang 363. 5 meters na daan mula naman sa Barangay Maguilling papuntang Barangay Nabbayugan ay natapos na ring makongkreto. Ang nasabing dalawang proyekto ay nagkakahalaga ng P9,989,085 milyon.
Bukod pa rito ay isinagawa rin ang pagpapasinaya sa Upgrading ng Maguiling-Faire-Dungao road sa bayan ng Piat at Sto. NiƱo kung saan aabot naman sa P33,637,772. 87 milyon ang inilaang pondo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Samantala, ang tubo at tabako ay ilan lamang sa mga pangunahing produkto ng mga magsasaka sa mga barangay ng bayan ng Piat kung saan ay higit na kailangan ang kongkretong daan para sa mabilis na byahe upang maibenta ang mga produkto. Sa pamamagitan ng mga nasabing sementadong daan ay mas mapabilis na ang pagbebenta ng mga magsasaka at mas aangat pa ang kanilang kabuhayan.