Pinangunahan ni Provincial Administrator Maria Rosario Mamba-Villaflor bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba ang pamamahagi ng scholarship assistance para sa mga Purok Agkaykaysa scholar mula sa anim na bayan sa Cagayan para sa unang semestre ng S.Y. 2024-2025 ngayong Sabado, Nobyembre 23, 2024.
Nakasama ni PA Mamba-Villaflor ang Provincial Treasury Office, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Office for People Empowerment, Consultants at mga kawani ng kapitolyo sa isinagawang distribusyon ng scholarship program sa Cagayan State University-Sanchez Mira Campus.
Partikular na tumanggap ang mga Purok Agkaykaysa scholar ng PGC mula sa mga bayan ng Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Claveria, Pamplona, Abulug, at Calayan.
Kaugnay rito, nakatanggap ng P3,500 ang bawat benepisyaryo na tinatayang nasa mahigit 1,700 Purok Agkaykaysa Scholars.
Ang Purok Agkakaysa Scholarship program ni Governor Mamba ay binuo upang masuportahan ang pag-aaral ng mga kabataang Cagayano.
Sa araw ng Lunes, Nobyembre 25, 2024, nakatakda namang ipamahagi rin ang kahalintulad na educational assistance sa mga benepisyaryo mula sa Baggao, Iguig, Enrile, Tuguegarao, PeƱablanca, at Alcala.
Samantala, maliban sa pamamahagi ng scholarship assistance ngayong araw, nakatanggap din ng tulong pinansiyal mula sa PGC ang 133 na Persons with Disabilities, 126 mula sa vulnerable groups, at 50 na mga solo parent.
Ang programa ay dinaluhan ni Sanchez Mira Vice Mayor Asela Sacramed at ang mga bisita na sina Allacapan Mayor Harry Florida, Raquel Dela Cruz, Lalaine Pamittan, at Jose Tayawa.