Pinasinayaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cagayan at Local Government Unit (LGU) Iguig ang isang proyekto na pinondohan sa ilalim ng DILG-Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units (FALGU).

Ang proyekto ay isang multi-purpose building na itinayo sa barangay Manaoag na nagkakahalaga ng P5 milyon kasama na ang covered court nito.

Ang proyekto ay magagamit para sa iba’t ibang aktibidad na isasagawa ng barangay para sa sports activities at magsisilbing espasyo sa mga aktibidad ng gobyerno sa pagpapaabot ng serbisyo’t programa para sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Ang LGSF-FALGU ay programa ng DILG para sa pagbibigay ng tulong pinansiyal sa lahat ng lokal na pamahalaan, mula sa mga barangay, munisipyo, siyudad, at probinsya. Nasa hanggang limang milyong piso (P5,000,000.00) ang maaaring matanggap ng mga barangay para sa kanilang mga proyekto.

Samantala, ang inagurasyon ay pinangunahan ni DILG Region II Assistant Regional Director Elpidio Durwin, DILG-Cagayan Director Engr. Maria Loida Urmatam, Mayor Ferdinand Trinidad at Vice Mayor Juditas Trinidad kasama si MLGOO Victor T. Santos, RPDMU Chief Rambo Tambauan at Engr. Frank Jey Pamintuan, barangay officials at mga residente.