Hindi lamang nakamit kundi lumagpas pa sa pangarap ang nasungkit ni Lloyd Nathanael Reyes, isang Enrileño matapos makapasa at makapwesto bilang Top 7 sa katatapos lamang na 2023 Metallurgical Board Exams ngayong buwan ng Oktubre.
Ang kanya umanong hilig sa math ang nagtulak sa kanya para ipagpatuloy ang kolehiyo sa larangan ng Engineering bilang kanyang undergraduate degree.
“In high school, I had a knack for math which made me decide to venture in an engineering undergraduate degree.” Pagbabahagi ni Reyes.
Nang makapagtapos si Reyes ng High School, pinasok nito ang Unibersidad ng Pilipinas at nag-enroll sa ilalim ng UP Department of Mining, Mettalurgical, and Materials Engineering (DMMME) kung saan nabihag ito sa mantra ng departamento na “it all begins with us” dahilan para mas magpursigi itong makapagtapos sa kinuhang kurso.
“As I entered UP DMMME (UP Department of Mining, Metallurgical, and Materials Engineering), the degree piqued my interest most especially from the department’s mantra: “It all begins with us.” So, if you are a student who is interested in both engineering and chemistry this course is for you. Plus na rin mayroon tayong one-of-a-kind degree title” dagdag nito.
Nagmula ang angkan ng ina ni Tabao sa bayan ng Tuao kung saan nagsilbing guro at supervisor ang lolo’t lola nito sa Lyceum of Tuao at naging Sangguniang Bayan din ng siyam na taon ang lola nito sa nasabing bayan.
Inaasahan ngayon ni Reyes na makapag-umpisa ng career sa industriya ng Metal o sa Mineral Processing Industry.