Maigting nang ipatutupad ngayon ng Protected Area Management Board (PAMB) ng PeƱablanca Protected Landscape and Seascape (PPLS) ang “no hard hat, no caving” policy sa mga turista na bumibisita sa Callao Cave sa bayan ng PeƱablanca, Cagayan.

Ayon kay Gwendolyn Bambalan, Regional Executive Director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na siya ring Chairperson ng PAMB-PPLS, layunin ng polisiyang ipatutupad na tiyakin ang kaligtasan ng mga bisita habang nagsasagawa ng caving activities sa nasabing tourist site.

Ipatutupad ang nasabing polisiya sa ilalim ng Resolution No. 03, series of 2025. Kaakibat nito ang P20 na rental fee para sa bawa’t hard hat na ilalagak sa Integrated Protected Area Fund ng PPLS.

Kaugnay rito, tiniyak ng PAMB at DENR RO2 na patuloy nilang isusulong ang mga hakbang, aktibidad, at polisiya na mangangalaga at magpapaunlad sa likas na yamang sakop ng probinsiya ng Cagayan.