
Limang huwarang manggagawa mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang binigyang pagkilala sa kauna-unahang Search for Sagisag ng Karangalan para sa Huwarang Manggagawa.
Ang pagkilala ay ginanap nitong Sabado, Hunyo 28, 2025, sa Cagayan Coliseum, Tuguegarao City.
Ang Search for Sagisag ng Karangalan para sa Huwarang Manggagawa ay may layong kilalanin ang mga natatanging empleyado ng PGC na naglilingkod nang tapat, masigasig, at may malasakit.
Ang parangal ay isinulong sa ilalim ng pamumuno ni Governor Manuel Mamba upang ipakita ang kahalagahan ng bawa’t kawani sa tagumpay ng mga programang nakasailalim sa Cagayan Development Agenda o CAGANDA 2025.
Narito ang mga nagwaging limang manggagawa:
-Jessie G. Cac, Administrative Aide 1 ng Provincial Veterinary Office
-Joe Loui G. Rante, Farm Worker II ng Provincial Veterinary Office
-Jaspere John M. Castro, Utility Worker ng Tuao District Hospital
-Harley John Q. Rodrigo, Admin Aide I ng Office of the Provincial Agriculturist
-Melchor Albin Maggay, Administrative Aide III mula sa Provincial Information Office.
Bawa’t awardee ay tumanggap ng plake ng pagkilala at tig-₱10,000 bilang insentibo sa kanilang natatanging serbisyo.
Ang 23 na iba pang nominado na kinilala rin sa kanilang dedikasyon at husay sa paninilbihan ay tumanggap naman ng sertipiko ng pagkilala dahil sa mahalagang ambag bilang mga lingkod-bayan.
Kaugnay rito, naging hurado naman sina Dr. Nelia Zingapan Cauilan; CSC Chief Personnel Specialist Jovy Valenzuela Tamayo-Miguel, at Public Affairs Unit Head Amir Mateo Aquino.
Ang Sagisag ng Karangalan para sa Huwarang Manggagawa ay isa lamang sa mga aktibidad na bahagi ng selebrasyon ng 442nd Aggao Nac Cagayan na pinangunahan ni Governor Manuel Mamba kasama ang Unang Ginang ng Cagayan Atty. Mabel Villarica-Mamba, Provincial Administrator Atty. Maria Rosario Mamba-Villaflor, Governor-elect Ret. Gen. Edgar “Manong Egay” Aglipay kasama ang kanyang may-bahay na si Marinette Yan-Aglipay, 1st District Board Member Atty. Romeo Garcia, 3rd District Board Member Rodrigo De Asis, Tuao Mayor William Mamba, Board Member-elect Romar De Asis, department heads ng Kapitolyo ng Cagayan, at mga consultant.