Muling inilagay ng isang Cagayano sa mapa ang Cagayan matapos maiuwi ng isang Aparriano na si Aimree Pablo ang korona ng Mr. International-Teen 2024 sa katatapos lang na Mr. International Philippines 2024 nitong Hunyo-30 sa kalakhang Maynila.
Mula sa 50 kandidato na nanggaling sa iba’t ibang bahagi ng Bansa, isa si Pablo sa nakasungkit ng Major Prize sa patimpalak dahil na rin sa talion at kisig na ipinakita nito sa bawat bahagi ng kompetisyon.
Ayon kay Pablo, hindi naging balakid ang murang edad sa pagsali nito sa mundo ng pageantry bagkus nagsisilbi itong representasyon ng pangarap at mithiin ng kanyang henerasyon. Aniya, makuha man ang korona o hindi, mananatili siyang isang binata na nagmula sa dulong bahagi ng bansa na nagbibigay inspirasyong abutin ang pangarap gaano man ito kalaki.
“Being 18 means representing the dreams and aspirations of my generation. I will be a memorable Mr. International Philippines because with or witout a crown, with or without the competition, I am that young boy from the farthest end of the country who inspires people to dream bigger than their age.” pagbabahagi ng binata sa kanyang final statement sa patimpalak.
Samantala, noong nakaraang taon din ay naiuwi ni Ryan Cruz ng Tuguegarao City, Cagayan ang Mr. Charm Philippines 2023 sa ginanap na Mr. International Philippines 2023.
Aasahang sasabak si Pablo sa International stage para irepresenta ang bansa sa Mister and Miss Teen International 2024.