Nakatanggap ng cash incentives mula sa Provincial Government of Cagayan (PGC) ang mga atletang nagwagi ng gold, silver, at bronze medal sa naganap na Regional Invitational Sporting Events ng Department of Educataion o DepEd Dos RISE noong nakaraang Abril 25-28, 2022 sa lungsod ng Cauayan, Isabela.
Para sa individual events, nakatanggap ng P10,000 ang mga nakakuha ng gold medal habang ang nakakuha ng silver medal ay mayroong P7,000 at sa mga nakakuha naman ng bronze medal ay nabigyan ng P5,000.
Samantala sa Team events, ay nakakuha ng P5,000 ang gold medalits, P3,000 sa silver medalists at P2,000 naman sa mga bronze medalist.
Kabuuang P1,419,000 ang naipamahagi sa mga atleta at ito ay mula sa Special Education Fund na bahagi ng naaprubahang 2022 Annual Budget ng School’s Division Office Cagayan o SDO Cagayan.
Ang pamamahagi ng cash incentives ay ginawa sa bawat paaralan upang hindi umalis ang mga estudyante sa kanilang mga klase at gumastos para sa kanilang transportasyon.
Mismong ang Consulant on Education na si Claire Lunas ang nanguna at personal na nagbahagi ng pera katuwang ang ibang mga consultant na sina Alma Natividad, Olive Gonzales, Elizabeth Alameda, Jomar Miguel, Raquel dela Cruz, Oliver Peneyra, Vieto Suguitan, Robert Damian at Anatacio Macalan.
“Ito ang ikaapat na taon na ang cash incentives na ito ay ibinibigay sa mga kampeon ng SDO Cagayan at ikatlong taon para sa SDO Tuguegarao City sa inisyatibo ng ating butihing gobernador na si Governor Manuel Mamba,” pahayag ni Lunas.
Ang mga coach o trainors ng mga atleta ay nabigyan naman ng tig-P2 000.