Isang karangalan ang dala ng isang Cagayano na si Marc Noblen Guzman Dela Cruz mula sa Tuguegarao City sa pagkamit nito ng Top 1 sa January 2022 Sanitary Engineer Licensure Examination.
Nakamit niya ang pinakamataas na pwesto sa rating na 83.80.
Si Marc Noblen Guzman Dela Cruz ay graduate ng Mapua University ng double courses na B.S. Civil Engineering at B.S. Environmental and Sanitary Engineering kung saan naging Cum Laude siya sa parehong kurso noong taong 2020.
Naging Top 1 siya ng Class 2020 ng Mapua University kung saan pinarangalan din siya ng unibersidad bilang Gold Medalist.
Naging Member siya ng Honor Society of Mapua at isang scholar ng MAEDA Construction Company sa Japan.
Isa din siya sa mga napili bilang Philippine Youth delegate ng JENEYSYS2019 Student Conference ng National Youth Commission sa Tokyo, Japan noong 2020.
Si Noblen Dela Cruz ay nakatakdang magtrabaho sa MAEDA Construction Company sa Japan ngayong Marso pagkatapos niyang pumirma ng 3-year contract sa prestihiyosong kumpanya sa nasabing bansa.
Sa kanyang pagkamit sa unang pwesto sa nakaraang licensure exam, hatid niya ang mensahe ng inspirasyon para sa mga kabataang Cagayano na patuloy nilang pagsikapan ang mga pangarap at magpursige pa sa buhay.
“To the young people of Cagayan, my experience taught me that nothing beats working hard and working smart. We achieve things in life, not only because of luck and timing, but also through perseverance and belief in one’s self.
Nurture your relationships and surround yourself with people that inspire, support yet challenge you,“ sambit niya.
Si Noblen dela Cruz ay anak nila Maria Visitacion Dela Cruz (isang empleyado ng Provincial Government of Cagayan) at ni Mar Dela Cruz (dating empleyado ng PGC na ngayon ay nasa Department of Human Settlements and Urban Development na).