Nabigyan ng iba’ t ibang serbisyo ang mahigit 700 na mamamayan sa isinagawang Pre-Medical Mission ng Provincial Health Office (PHO) at Department of Health- Cagayan Valley Center of Health Development (DOH-CVCHD) sa Allacapan, Cagayan kahapon, araw ng Biyernes, Pebrero 23, 2024.
Ito ay bilang bahagi sa gaganapin na LAB FOR ALL: Cagayan Caravan sa darating na Pebrero 27, 2023 sa Cagayan Sports Coliseum, Tuguegarao City.
Sa nasabing aktibidad, umabot sa kabuuang 704 na katao ang naserbisyuhan ng dental, opto o para sa mata, laboratory, at pre-laboratory. Isinabay rin sa aktibidad ang libreng legal services para sa mga mamamayang nangangailangan ng serbisyong legal.
Nakiisa naman dito ang ahensya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 02, National Grid Corporation of the Philippine (NGCP), Public Attorney’s Office (PAO), Integrated Philippines Association of Optometrists (IPAO), at One Top Medical System Resources.
Dumalo rin dito si Dr. Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng DOH-CVCHD; Mayor Harry Florida ng Allacapan; Municipal Administrator Atty Paz; Dr. Angelo Trinidad, Medical Officer ng PHO.