Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang mahigit dalawang libong benepisyaryo sa anim na bayan sa Cagayan mula sa Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes, ika-25 ng Nobyembre, 2024 na ginanap sa Leonardo Mamba Gymnasium, lungsod ng Tuguegarao.

Naunang nababaan ngayong araw ang pitong bayan na kinabibilangan ng Enrile, Solana, PeƱablanca, Iguig, Amulung, Alcala, at Baggao.

Ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ilalim ng programang AKAP ay nakatuon sa mga mamamayang kinokonsiderang low income earners o may mga mabababang kita o walang nakapirming kita araw-araw.

Partikular na binigyan ang mga karpintero o construction workers, tricycle drivers, ambulant vendors, at iba pang sektor sa ilalim ng AKAP program upang makatulong sa kanilang mababang kita.

Ang pondong ipinamamahagi ay nagmula kay Secretary Rex Gatchalian sa pamamagitan ni Gobernador Manuel Mamba na siya ngayong direktang ibinababa sa mga sektor na pinaglalaanan ng nasabing programa.

Sa naging mensahe ni Gobernador Manuel Mamba sa benepisyaryo ng AKAP, kanyang sinabi na laking pasasalamat nito sa pondong ibinaba ni Secretary Rex Gatchalian na tulong sa mga hikahos na Cagayano. Tanging obligasyon ng bawa’t isa ay piliin ang tamang lider na mamumuno at nakatuon sa mga pangangailangan ng mamamayang Cagayano.

“Daytoy ket tulong kadatayo ket usaren yu dagita nga naited para ti pagbiagan yu, ti obligasyon yu laeng ket agpili ti hustu nga lider nga mangsolbar ti kasapsapulan yu ken napudnu nga agserbi kadakayu,” sambit ng Gobernador.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Provincial Office for People Empowerment (POPE) katuwang ang DSWD naipamahagi ang pondo diretso sa mga benepisyaryo.

Naging bisita sa nasabing aktibidad

sina Retired General Edgar “Manong Egay” Aglipay, Atty. Engelbert Caronan, Atty. Raymund Guzman, Consultant on Tourism Arnold Alonzo, Board Member Rodrigo de Asis, Agriculturist Pearlita Mabasa, Japo De Asis, Kiko Kanapi, Franco Mamba, at consultants.

Nakatakda ring hahatiran ang lahat ng bayan sa lalawigan sa mga susunod na araw.