
Matitikman ang iba’t ibang bersyon ng masarap at malambot na kakaning linubian sa gaganaping Linubian Festival sa SM City Tuguegarao bilang bahagi sa pagdiriwang ng 442nd Aggao Nac Cagayan.
Ibibida dito ang nilagang kamoteng-kahoy na may iba’t ibang sangkap at ang naggagandahang presentasyon ng mga kalahok. Abangan din ang pagtatanghal sa Linubian Skit na magpapakita sa tradisyunal na ligawan ng mga Cagayano sa pamamagitan ng paggawa ng linubian.
Magkita-kita tayo sa darating na araw ng Miyerkules Hunyo 25, 2025 sa oras na 8:00 ng umaga para sa ating Linubian Festival!






