Bahagi ito ng taunang programang No Barangay Left Behind (NBLB) ng Kapitolyo para sa mga Cagayano.
Liban dito, kinuha rin ng Provincial Treasury ang pagkakataon upang makapamahagi ng impormasyon sa adbokasiya ng PGC na tumututok sa Krusada Kontra Korapsyon sa pamamagitan ng pamimigay ng pulyetos ukol dito.
Nagsilbing tagapamahagi ng impormasyon sina Provincial Consultant Archie Articulo, at Vicente Binasoy sa CSU Gymnasium kasama ang mga kawani ng Provincial Treasury.
![](https://www.cagayan.gov.ph/wp-content/uploads/2023/08/tulong-sa-barangay.jpg)