Matapos ang isang programa ng pagsalubong sa Kapitolyo, bumisita naman sina Consul Ren Faquiang, Consul of Head of Post of the Chinese Consulate in Laoag, Consul Ma Ning, Ji Ling Peng, Councilor of Chinese Embassy in Manila; at Shao Dai Hong, Third Secretary sa panlalawigan museo sa lungsod ng Tuguegarao.

Mainit na sinalubong ni Nino Kevin Baclig, Museum Director-Curator, ang grupo at ipinakita ang hitik na cultural heritage ng Cagayan sa iba’t ibang galleries ng museum. Ipinakita din ni Baclig ang malaking tarpaulin ng Selden map na nagpapakita ng ebidensiya sa unang ugnayan ng lalawigan ng Cagayan sa bansang Tsina sa pamamagitan ng trading, partikular sa Puerto ng Aparri at sa ilang lugar tulad ng Sanchez Mira.