Binuo ng mga kalalakihang empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang grupong tinawag na Men Opposed To Violence Against Women Everywhere (MOVE) bilang suporta sa 18-day campaign to end violence against women (VAW)
Ayon kay Rosario Mandac, Chief, Social Protection and Social Technology Division and Focal Person for VAWC ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) (PSWDO), nabuo ang grupo sa pamamagitan ng isinagawang oryentasyon nitong ika-6 ng Disyembre.
Lahat ng opisina at departamento ng Kapitolyo ng Cagayan ay nagpadala ng mga lalaking empleyado upang dumalo sa naturang oryentasyon at nagpakita ng buong suporta ang mga ito.
Kasabay ng pagpapakita ng suporta ay ang pagpirma sa Pledge of Commitment ng grupo bilang patunay ng kanilang tapat na kampanya upang tuluyang mawakasan ang anumang uri ng karahasan laban sa mga kababaihan.
Ang 18-day campaign to end VAW ay nagsimula noong Nobyembre 25 na magtatapos sa Disyembre 12.