Pasok sa Top 9 sa buong bansa ang isang Cagayano na si Alexandra Simone A. Rosacia mula sa Bagumbayan, Lal-lo, Cagayan sa katatapos lamang na October 2025 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE).

Bagama’t libo-libong kumuha ng pagsusulit, kabilang si Rosacia sa anim na pumwesto bilang Top 9 matapos makakuha ng 89.50% rating sa naturang board exam.

Si Rosacia ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA) mula sa University of Sto. Tomas (UST).