Inuwi ng isang grade-10 student na si Jesu Manzano ang tatlong gold at tatlong silver medals mula sa ginanap na World Scholar’s Cup Tournament of Champions noong buwan ng Nobyembre sa Connecticut, USA.
Si Manzano ay kabilang sa apat na estudyante ng Ateneo de Manila University na nagsilbing representante ng bansa sa nasabing prestihiyosong kompetisyon abroad.
Liban sa mga medalya, si Manzano ay Top 162 Champion Scholar mula sa 2,000 estudyanteng sumali mula sa 70 bansa sa buong mundo.
Ang mga magulang ni Manzano ay kapwa tubong Cagayan na sina Engr. Wreylord Manzano mula sa San Juan, Pamplona habang ang ina naman nito na si Dr. Maureen Ines Manzano ay isang tubong Sanchez Mira, Cagayan.
Ang World Scholar’s Cup Tournament of Champions ay isang academic competition na sinasalihan ng iba’t ibang estudyante mula sa iba’t ibang bansa kung saan sinusukat ang kanilang galing sa Science-Technology, History, Literature, Music & Arts and Society. ###