Kasabay nito ang kahilingan ng Director sa Gobernador ng tulong para sa lupang ipahihiram para sa itatayong DMW Regional Office. Sa kasalukuyan kasi ay nangungupahan ang DMW para sa kanilang pansamantalang opisina sa Tuguegarao City.
Ang Department of Migrant Workers ay isa sa mga bagong departamento ng gobyerno ng Pilipinas na responsable para sa proteksyon, Karapatan, at nagtataguyod sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers at kanilang mga pamilya.